Lana Del Rey, 5th Studio album, Track #4

ang iyong pangalan, pula ang kulay ng iyong buhok. Minsan iba, minsan asul, minsan dilaw, minsan pink, kahit anong iyong ikulay, lagi kong naalala kung gaano kakulay ang iyong mundo. Ang hirap harapin ang sarili at aminin, na nami-miss yata kita. Gusto kong makausap ka, ikwento sayo kung paano lumilipas ang araw-araw na walang nangyayari. […]

Mahilig ako sa maganda

“I like your hair..” bati ko sa babaeng nagtatago sa dilim Humithit ito ng malalim na usok sa kanyang sigarilyo at saka ibinuga ito. Naglakbay ang usok sa malayo kung nasaan ang kanyang mga mata. “Anong ginagawa mo dito? Malungkot dito sa sulok, tapos nag-iisa ka pa” alam kong naririnig nya ako ngunit hindi pa […]

Hanggang dito na lang

Hindi ko mahanap Ang salita, O wala lang Ng lakas ng loob?   Pagkat di ko masabi Ang di maipaliwanag Na nilalaman nitong damdamin,   Kung ano ang dapat gawin- Pausbungin? O palipasin? Ipakita o takpan?   Hindi ko alam, Baka hanggang dito lang   Pero minsan, Nagkakataon, Nakakatyamba sa panahon lulundag sa takot Lampas […]

Hoy Babae Number 3

Hindi ako interesado sa maraming bagay, Ngunit nakakapagtakang lagi akong nakatitig Nakatingin sa iyong larawan Tulala sa iyong mukha Hindi man nito kinakausap pabalik Hindi mo man ako naiisip kahit saglit Sa tingin ko ay kalokohan lang ang umibig Walang katuturan at hindi talaga kailangan Kapag inangkin ka’y walang kalaban laban Kaya naman nais ko […]

Softdrinks

    Minsan hinihiling ko sana simple lang ang buhay; tulad ngayon, nakatitig lang ako sayo habang umiinom ka ng softdrinks. Wala ka nang dapat maintindihan, payak ang iyong paghigop ngunit hindi ko mapigilang madala ang aking damdamin. Akala ko ay napaka simpleng gusto lang kita, ngunit naisip kong napaka komplikado ng aking nararamdaman. Hindi mahirap maintindihan […]