Soundtrip sa bukid

Aaminin kong nabitin ako kagabi. Hindi ako tinamaan sa tinagay naming lambanog ng aking bayaw. Naiintindihan ko namang ayaw ni bayaw magpakalasing ng todo; kaya naawat kaagad ang aming inuman. Mag-aalaga pa ito at magpapatahan ng iyak pag nagising ang bagong silang na sanggol. Kasabay naming umiinom ang aking kapatid; kabukod tangi siyang naka San […]