Ay, kay lapit lang
ng inyong bahay
Sa aking tinitirhan,
Pero dito pa kita
nakilala sa malayo.
Saang lupalop k aba
sa Santo Thomas?
Wag kang mag-alala,
Hindi naman kita
aabangan sa inyong kanto,
hindi rin ako
didilip sa bahay nyo.
Gusto ko lang maitanong-
Nang mapanatag itong isip
na gustong tuklasin
ang maliliit na hiwaga
sa misteryo ng iyong
Pagkatao.
Yun lang naman.
Tsaka,
Baka gusto mo rin
na maghiraman ng libro,
ipapabasa ko sayo
ang aking mga paborito,
at babasahin ko yung sayo,
payi ang sarili mong akda
-nang marinig ko ang iyong tinig
Sa sarili mong pag-iisip,
Ang sarili mong limbag.
Tunay na kahanga-hanga
-ikaw na dalagang Pilipina,
Sinong hibang ang hindi
babati sa presensya ng
pinagsama-samang ganda’t talino, at saka wika?
Sino pa, E di, Ako!
Pero ganun lang talaga, ako.
Iniiwasang tumingin
sa iyong kutis at kasuotan,
hindi ka rin kakausapin
para lang tapunan ako ng pansin,
Ngunit dapat mong malaman
na luluhudan ka ng nanginginig
kong pinakatago-tago.
Pilassa dalawang:
Ayaw pahuli,
At sana ay matuklasan mo.
Ah, bakit hindi ko kinuha
ang iyong perlas na kamay
at langit na mga daliri
para makamayan ang mga ito?
Normal lang naman iyon,
Hindi yata ako normal.
Wala akong magawa,
Sa tuwing ganun
-ang sarili ko
Ay aking inaapi:
Bata!
Duwag!
Socially awkward!
Alien!
Walang pagbabago,
At hindi ako magbabago
Patuloy akong magsasayang,
At patuloy akong manghihinayan.
Pero wag kang mag-alala;
Hindi naman palaging ganun,
Masaya ko nang niyakap
Ang sariling kahinaan;
Ngunit hindi naman ibig sabihi’y
Nagpatalo na ako ng husto.
Mas mabuti lang magpatuloy
At makisabay sa takbo ng orasan.
Mas lalong ninipis ang buhok ko sa lukod
Kapag mununi ang lahat ng aking mga sablay.
Pero,
Hayaan mo na…..
Hayaan mong isipin kita,
Pati yung nung isang araw,
Kung ano sanag aking ginawa
-ng sa ganun kahit papaano’y
hindi n asana ako estranghero sa iyo.
Kung binili ko yung isa mong libro,
Kung nagtanong lang ako sana
-kung pauwi ka na ba ng Santo Thomas,
baka pwedeng makasabay sayo?
Hindi naman ako papalibre ng pamasahe,
Baka lang mas makilala kita habang nasa byahe.
Alam mo bang mahilig akong tumakbo?
Sigurado akong matatakbo ko
Mula sa amin hanggang sa inyo,
Magiging problema ang pabalik
Ngunit hindi ko ba kakayanin
-kung palalakasin ako ng inspirasyon mo?
Magkukulang ba ang aking lakas
-kung aabutan mo ako ng juice
O kahit man lang tubig?
Ina ko po, sisiw!
Unang bibigay ang aking katawan,
Ngunit hindi ang isip:
Na ikaw ang iniisip at nilalaman.
Sakaling talagang pahintulutan
akong makabisita sa inyong tahanan,
ipapagawa ko ang aking lumang bisikleta
para mas mabilis at mas madalas
na madalaw kita,
Basta’t iutos mo
-handa rin kitang ipamalengke.
Ay Dalagang Pilipina,
Kung ang pangarap lang ay madaling matupad.
Kung ang pag-ibig mo lang
ay maaring hingiin,
Hindi ko gagawin;
Mas pipiliing
-pagdusahan at paghirapan
Ang iyong walang katumbas
na pakikisama
-Kahit huli’y mabigo lang
sa pag-asa