Hoy babae entry number 1

Naalala ko ang iyong amoy pagpasok mo ng sasakyan, hanggang ngayon nakikilala ko pa rin at sariwang sariwa sa aking damdamin. Sariwa pa sa gising ng umaga ngunit natutulog na ulit sa loob ng jeep, gayun pa man alam ng aking diwa tuwing sumasakay ka, dahil sa iyong amoy. Hindi ko alam kung anong bulaklak ang iyong halimuyak, hindi ko alam kung pabango o may hiwaga ka lang sa iyong paliligo, madalas naiisip ko na natural mabango ka lang talaga.

Ngayon tila panaginip na lang sa likod ng aking isipan na minsan nandyan ka, katabi ko sa service nating sinasakyan papuntang eskwelahan. Ang layo mo kasi, hindi lang distansya tinutukoy ko, at isa pa antagal tagal na. Pero kahit noon parang panaginip ka lang, hindi lang sa tuwing nakakatulog ako sa byahe, dahil kahit sa reyalidad panaginip ka lang na hinding hindi ko tatangkain.

Dapat mong malaman na sobrang gusto kita noon at nagpapanggap lang ako na hindi ko alam na halatang mong patay na patay ako sayo. Sobrang galing kong umiyas sayo na noon susupladuhan kita sa sobra kong kawirduhan. Sinabi mo na gusto mo ako ngunit pabiro, ngunit alam kong totoo yun nung panahong yun. Dinedma kita na parang wala akong narinig, na parang meron akong sariling mundo kahit meron naman talaga, pero sinabi mo yun at dapat akong  maniwala kahit hindi kapanipaniwala at parang panaginip lang, nadama ko sa aking balahibo na tunay ang iyong sinasabi.

Ngunit ano namang inaakala mo kung pano ako kikilos? Bata pa ako noon, hindi alam kung anong gagawin. Ngayong hindi na ako bata, isip bata na lang, naisip kong andami kong pinalampas na magagandang kababaihan dahil lang hindi ako marunong kumilos. O baka dahil duwag rin talaga ako.

Nakakahinayang lang, at marahil ngayon ay pinagbabayaran ko ang lahat dahil malungkot ako at walang pag-ibig. Hindi ko sinasabing gusto ko ng pag-ibig mula sa isang babae, ngunit ayokong malungkot. Ayoko ayoko ayokong malungkot, at sa tuwing malungkot ako, mga babae ang nasa isipan ko.

Sa tinagal tagal ng panahon, alam mo na siguro kung bakit naiisip kita ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s