Softdrinks

 

 

Minsan hinihiling ko sana simple lang ang buhay; tulad ngayon, nakatitig lang ako sayo habang umiinom ka ng softdrinks. Wala ka nang dapat maintindihan, payak ang iyong paghigop ngunit hindi ko mapigilang madala ang aking damdamin. Akala ko ay napaka simpleng gusto lang kita, ngunit naisip kong napaka komplikado ng aking nararamdaman.

Hindi mahirap maintindihan na gusto kita dahil sa iyong itsura. Yun lang dapat ang dahilan, dahil maganda ka. Napalingon ako sa isang dalaga na mas perpekto pa kesa sayo at aaminin ko na nabighani nito ang aking mga mata. Ngunit pagkatapos ko syang makilala, naintindihan kong komplikado talaga; na wala akong damdamin sa kanya simula nung inangkin mo na lahat.

Aking napagtanto, gusto kita ngunit hindi lang dahil sa iyong itsura. Ang iyong kasimplehan ang aking pinaka-nagustuhan. Madaling makita sa iyong katauhan na isa kang simpleng babae; mula sa iyong pananamit hanggang sa iyong pagkilos, wala kang labis, wala ka ring kulang. Habang mas nakikilala ko ang iyong kasimplehan, mas hindi ko naiintindihan. Ngunit naunawaaan ko, napaka komplikado mo.

At kalahating oras na ang nakakalipas, hindi mo na inubos ang iyong softdrinks. Tumingin ka sa akin, ngumiti at saka nag-ayang ng tumayo. Bigla akong natawa, tinanong mo ako bigla kung bakit kita pinagtatawanan, sinabi kong may naalala lang ako. Ang mga simple mong gawain, hindi ko maintindihan kung bakit napaka makapangyarihan, nakakabaliw, natatawa na lang ako.

Ang sarap isipin na hindi mo na kailangan pa ng eksplanasyon sa ilang bagay na hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung hindi lang talaga natin alam, o kaya naman ay walang talagang paliwanag ang ibang mga bagay. Ngunit ngayong naglalakad tayo palayo sa tindahan at hawak mo ang aking kamay, sa tingin ko ay nauunawaan ko ang hindi kayang ipaliwanag. Sa tingin ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s