Pinakamalaking takot

Kung ang pinakamalaking takot mo ngayong sariwa pa ang ating kabataan ay ang pagtanda, sasabihin ko sayo ang sinabi ni Ely Buendia sa isa sa kanyang mga kanta, Huwag kang matakot. Alam kong alam mo ang liriko at mensahe nung kanta kaya hindi ko na kailangang idetalye.

Isa pa, lumain man ng oras ang iyong itsura at mag-alisan ang iyong mga humahanga, huwag ka pa ring matakot, huwag kang mag-alala. Mananatili ang (mga) totoong nagmamahal sayo, kaya hindi mo na kailangang mangamba kung isa pa sa takot mo ay ang mag-isa.

Nandito ako, handang maging reserba. Hindi ka na dapat matakot dahil sasaluhin kita, kahit pa ang aking pinakamalaking kinakatakutan ay ang harapin itong aking nadarama.

Leave a comment