Drinking Buddy

 

368
Nagniningning ang dalagang bituin
Binibihag ang aking mga mata
Bakit gusto mong magpaka-lasing
Kasama ang binatang baka pagsamantalahan ka?

Gusto kong gawin
Pero gusto mo rin ba?
Kung ayaw mo 
Hindi kita pipilitin
kahit na parang desperado na 

Pipigilan ko ang sarili
Hindi ako magiging marumi
Hindi kita aabusin
Hindi rin ako sisimple ng tsansing
Baso mo lang ang iaabot ko
Ngunit hindi ko hahawakan 
Kahit dulo ng daliri mo

Ganun ba kalaki
Ang tiwala mo sa akin para
Mag-isa tayong magpalitan ng tagay?
Kasi minsan iniisip ko 
Na inaakit mo ako
Pag solo natin ang kwarto
Pinaglalaruan ako
Ng aking marumi imahinasyon
Kulang na lang ay sabihin mo
Ang hinihintay kong hubad mong salita
Dahil hindi talaga kita hahawakan
Hanggat hindi mo ako inuutusan

Kapani-paniwala ba?
Na may lalaking katulad ko
Na kayang pigiling
Halikan ang iyong labi
Pababa
Hanggang sa iyong pagkababae
Nagawa ko na lahat ng yan
Pero sa aking isipan lang
Sarili ay kaya kong pigilan
Dahil kung ayaw mo ay walang pilitan

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s