Jullie

Marahil ang hangin ay isang batang naghahanap lang ng mapapaglaruan

Ginawa ko na ang lahat para lang mapansin ng babaeng gusto ko

Kahit yung baon kong hotdog, dalawa na nga lang, binigay ko pa sa crush ko ang isa

Nagtipid tuloy ako sa ulam, dinamihan na lang ang subo ng kanin kada kagat ng hotdog

Para akong kaawa awa, pero dapat mo akong paniwalaan, ito ang nakakapagpasaya sa akin noon

Isang araw, sa loob ng bahay bahayan namin ng aking pinaka matalik na kaibigan, nagpalitan kami ng sikreto

Sabi ko sa kanya na crush ko si Jullie at pakakasalan ko ito pagtanda ko, nagalit sa akin ang aking matalik na kaibigan dahil sa kanya daw si Jullie

Sabi ko sa kanya na hindi sila bagay dahil magkaiba sila ng kulay magiging dalmatian ang anak nila pag nakataon , samantalang kami ni Julie parehas maputi at parang meant to be

Ayaw nyang pumayag at kinontra nya rin ako, mas una daw syang nagkagusto kay Jullie at first time first serve, yun ang sabi nya

May the best man win sabi ko sa aking kaibigan, kahit na hindi ko alam kung magkaibigan pa rin kami pagkatapos nun

Araw araw, nag titiis ako na iisang hotdog ang ulam maka una sa puso ng sinisintang si Jullie

Nadadaig lang ako ng aking matalik na kaibigan dahil magaling syang mag drawing, andami nya laging papel at madalas ditong nanghihingi si Jullie, nakakaiinis pa na binibigyan nya rin ito ng drawing ng paborito nyang anime

Sa huli, walang nakakuha kay Jullie, marahil ay masyado pang maaga para sa mga batang katulad namin ang umibig, atensyon lang hinahangad namin mula sa mga babae.

Si Jullie pa rin ang pinaka maganda sa klase, at lahat ng batang lalaki ay gustong magpapansin sa kanya, wala syang pinili kahit sino.

Nagbalik ang aming samahan ng aking matalik na kaibigan, nagpapatuloy hanggang ngayong mas matanda na kami, ako pa nga ang bestman sa kanyang kasal.

Sa araw ng kanyang kasal sa loob ng simbahan, napakasaya nyang nakatagpo ng sya ng babaeng kanyang iniibig at inibig rin sya, at ako naman, masaya rin ako para sa kanya.

Naisip ko na iisa ang babaeng una naming nagustuhan, nasan na kaya si Jullie ngayon?

Dumaan ang isang madre, naramdaman ko ang kanyang matang nakatitig, ngumiti sya ng aking makita, hindi ko napigilan ang sarili at kusang napangiti rin

Nag-iba ang ihip ng hangin, hindi pa rin nagbabago ang kanyang mga ngiti

Masaya na ang aking kaibigan sa babaeng kanyang inibig at pinakasalan.

Walang dudang masaya rin si Jullie sa kanyang ginagawa ngayon.

at ako, naisip ko ang sarili at nakaramdam ng lungkot.

Malungkot lang yata talaga ang mag-isa. Tumanda na kaming lahat pero mukhang napag-iwanan na ako, ako pa rin yung batang hindi pa handa para sa pag-ibig.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s