July rain

Lumabas ako ng bahay upang pagmasdan ang ulap

Uulan kaya? Tinanong ko ang sarili

Tila nagbabaya ang dilim sa hapong taimtim

Buwan ng Hulyo ay tag-ulan

Ang panahon ay laging nagpaparamdam

Ngunit hindi ko nais ang malinlang

Tulad kahapon hindi naman umulan

Nasayang ang pagkakataon

Ipapatak lang ay ambon

Ikaw pa na ba ang dahilan kung bakit ko gustong tumakbo tuwing hapon?

Ang mga bagay na dapat ay para sa aking sarili, ginagawa ko na para sayo

Pinapahirapan ko lang ang sarili ko,

hindi sa pagtakbo kundi sa paghabol sayo

Parang wala naman akong pag-asa

Hindi ka naman lumalayo ngunit hindi ka rin lumalapit

Para akong nasa threadmill

Ilang balde na ang pawis ko hindi naman nakaka-alis sa aking kinakatayuan

Wag daw akong mag-alala sabi ng tropa ko

Dahil nasa isip ko lang daw ang lahat

Sana nga sabi ko

Ganun pa man

Masaya ako pagnadadaanan ko ang bahay nyo

Tatawagin ko lang ang pinaka magandang pangalan,

Itatanong kung pwede bang maki inom?

At napaka bait mo, hindi mo ako kailan tinaboy

Minsan nung ginabi ako, nag-aalala ka rin pala tungkol sa akin

Pinahiram mo sa akin ang iyong lente

Nakakabagal man dahil pabigat

Gumaan pa aking pakiramdam na para bang lumulutang

Binigyan mo ako ng liwanag at mula noon ay ikaw ang aking naging liwanag

Tatakbuhin ko kahit ang bagyo

Ayoko lang sayo’y magmukhang wirdo

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s