Reverse Morp 2

Isa akong taong walang talento, walang bilang sa kahit ano. Hindi sa minamaliit ko ang aking sarili, pero lahat ng ito ay totoo. Nung ako ay naging high school, isa sa pinaka gusto kong pag-aralan ang pagtugtog ng gitara. Samantalang nung mas bata ay ako ay wala akong puwang nasabing instrumento, pag bata ka kung ano ang nasa harap mo yun na ang pagaabalahan mo, tulad ng pagbabasketball, paglalaro ng Mario sa pinaka unang Nintendo Gameboy. Sariwa pa sa ala-ala ngunit napaka tagal na ng panahon na lumipas. Yung mga tinayo naming basketball court sa puno ng sampaloc hindi na natitira, naalala ko noon kung gaano kami kasipag sa paggawa ng sariling basketbolan, pangangahoy ng kahoy at pako sa mga kino contruction na mga bahay, at yung mabigat na basketball ring na stock sa bahay nina Ronnie.

Tuwing naiisp ko, na sana kung nangyari lang yun, hindi siguro ganito. Palagi kong kakantahan ang sarili tuwing nalulungkot, gagawa ako ng kanta para sa sarili kaligayahan, o kaya naman ay iaalay ko para sa dalagang nagbibigay inspirasyon. Kasulukuyyan, mahilig akong mag sulat, pero lahat walang tono, bigkas ng letra lang ang tunog, lirikong hindi kayang kantahin.

Ang kaso nga lang, hindi pinalad, sa panahon ng aking kabataan hindi ako nagkameron ng pagkakataon na magkaroon ng magtuturo kung papaano tumupa. Isa pa ay wala akong gitara at wala ring pambili. Masaya na akong nakikikanta ng pabulong tuwing may mga nagjajaming, masaya na ako noong nakikinig at nakikihalubilo sa ingay. Kakaiba, pero sa aking paningin, napaka astig ng isang tao na magaling tumugtog. Hindi ako naging astig, kahit na pangarap ko pa rin ang matuto, huli na ang lahat. Sa edad ko ngayon hindi na dapat ganitong mga bagay ang inaatupag ko. Matagal ko ng kinalimutan ang paghawak ng gitara o kung ano mang instrumento na kayang gumawa ng magagandang tunog, natanggap ko sa aking sarili na hindi yun para sa akin.

Una kong naging paborito noon ang mga OPM bands, nagsimula sa pakikinig sa Eraserheads hanggang lumawak sa ibang mga Pinoy bands tapos mas lumawak pa hanggang sa sobrang dumami. Matagal ng disband ang Eheads noong nagsimula kong mahiligan ang kanilang mga kanta. Nung 2nd year High School ako, may tribute sa legendary band na ito, maging ang mga kaklase kong bumuo ng banda lagi silang kinakanta, at dun ko sila nakilala lalo na si Ely Buendia. Naging superfan ako, dalawang taon rin kaming hindi nagpansinan ng bestfriend ko noon dahil sa away naming kung sinong mas magaling, Rivermaya o Eraserheads?

Madalas ang tugtugan sa loob ng classroom kapag breaktime at lunchbreak, palagi kong pinapanood at lihim na hinahangaan ang aking mga kakalse na marunong tumogtug at laging angjajaming. Isang tanghali hanbang nagtutugtugan sila, kasama ang kanyang gitara lumipat ng pwesto si Nash, tumabi kay May at kinantahan ito ng harana, isang kanta ng Parokya ni Edgar. Nagkagulo ang buong klase dahil sa hiyawan at kantyawan, nabulabog pati yung kabilang classroom na nagsisimula nan g kanilang leksyon. Lumunod pa si Nash sa harapan ni May at nagpaalam kung pwede bang manligaw ang binata. Hindi makasagot si May at nagblublush sa gwapitong bigotilyo na gusto syang maging kasintahan. Natigil lang ang lahat ng sinita an gaming klase ng guro sa magkabilang silid-aralan.

Tila lahat ng tao sa loob ng Classroom ay nawili at kinilig. Nahirapan rin akong magpanggap na nagustuhan yung nasaksihan sa pangyayaring yun, ito yata ang unang beses na ako ay nasaktan. Ilan pang-araw ay nakita kong magkahawak ang kanilang kamay habang naglalakad kahit saan magpunta, papunta mang canteen para kumain o papuntang sakayan ng jeep pauwi. Noon siguro ay magaling rin akong magtago, kailanman ay hindi ako nahalata ng aking mga kaklase o kaibigan tungkol sa aking damdamin. Wala naman kasi akong ginagawa, nakatago lahat sa aking kaloob looban.

Nung sumunod na taon, sinubukan kong magparamdam ng aking sariling interes para kay May. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon, Wala na sila noon ni Nash, napagpasyahan kong bahala na si Batman kahit anong mangyari. Pinahiram ako ng aking tiyuhin ng amerikana na aking isinuot noong JS Prom. Nakita ko ang dalagang nakapula, nagniningning at pinaka maganda, naging makata ang gabi at naging matanglinghaga ang paligid ng nakita kong wala pang kasayaw si May. Hinanap ko ang nakatagong lakas ng loob at saka niyayang sumayaw ang dalaga, nangangatal pa ang boses dahil nakatingin sa akin ang kanyang bestfriend na kasama nyang naka upo. Nasa harap ako ni May at saka inialay ang palad at saka nag-aya ng sayaw , ilang Segundo parang walang katapusan akong naghihintay ng sagot, napabaling ako sa katabi nyang babae, “Wirdo” sabi ng mata nito. Nakadikit pa rin sa aking mukha ang mata ng dalawang dilag, nabigla ko yata ang dalaga, ngunit alam ko na ang kasagutan mula sa kanyang katahimikan. Binaba ko ang aking palad at saka tumalikod. Wala nang puwang ang gabi, nagdamayan na lang kami ng isa kong kaibigan na pinaka magaling mag counter strike na katulad ko ay wala ring maimbitahan,katulad ko ring tameme pagdating sa mga kababaihan. Lumipas ang gabi, hindi gumalaw ang mga talang nagmamasid sa mga sumasayaw. Sana nag counter-strike na lang kami ng one on one, mas mabuti pang mapulbos na lang ako kesa umatend ng Prom at magmukhang tanga.

Hindi ko na gustong maulit ang ganitong kahihiyan, nung sumunod na taon hindi ko na sinalihan ang ganitong pagdiriwang. Nung tinatanong ako ng aking mga malapit na kaibigan kung anong dahilan, nagpalusot na lang ako may namatay akong kamag-anak sa kabilang probinsya at kailangan naming puntahan yun.

Nung gabing yun, tulad nung isang taon, si Ronnie nanaman ang kasama ko, hindi na rin sya umatend ng Prom, nag counter-strike na lang kami, tulad ng inaasahan pinulbos lang ako nito at sinasaksak saksak pa minsan, ayos lang makantyawan, hindi na masama to kumpara nung nakaraang taon. Nagpalit kami ng laro at ginantihan ko ang kaibigan sa DOTA, mas nauna akong natutong maglaro nito kaya ako ang mas maalam. Nakabawi rin ako kaya nung huling laro namin, AI na lang kinalaban naming at kami ang magkakampi. Nag almusal kami ng tapsilog sa may Bus Stop saka naghiwalay. Sinindihan ko ang aking sigarilyo, niliyaban ang daan daan lihim na hindi ko balak ipalaalam sa ibang tao lalong lalo na sa magulang ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s