Pag tumanda ka

Pag tumanda ka ng lampas trenta,

At nalulungkot ka

Linalamon na ng hapis ng hindi malamang kung ano

Ang iyong kinakatayuan ay hindi malagyan ng tuldok

At parang ang magmulat ng mata sa umaga ay nilayasan ng kahulugan.

 

Noong dati ay kay daling mangarap

at ang mabuhay ay kay sarap

Nabubuhay sa ilalim ng mga kwento

Masaya na tayo dati sa ganito

At ang tangan mong libro na ating pinagsaluhan

Hanggang sa musikang ating sinayawan

Naiwan nung tayo ay lumaki

Pati ang pag-ibig kong hindi ko nasabi.

 

Dalawanpung taon ang tumakbo

Yung damdamin ay hindi pa rin nagbabago

Araw araw kang umiiyak sa iyong pagkabigo

Dahil iyong irog na may ibang kaluguyo

Napaka dali mong mabasag

Ako ang lalaking sumasagot sa iyong tawag ng kalungkutan at depresyon

Kinuha ko ito bilang pagkakataon

Pasibuling muli ang iyong ngiti

Ang libro at kantang naiwan ay balikan muli.

 

Nung magaling ka na

Lumipad ka muling mag-isa

Babalik ka sa iyong pugad kapag kailangan mo ng pahinga

At pag napagod ka sa himpapawid

Naka abang ang aking braso upang saluhin ang iyong katawan

At gamutin muli ang iyong puso pati ang iyong pakpak

Turuan ka muling lumipad palayo sa akin na tunay na nagmamahal sayo

Takot na hindi ako karapat dapat sa iyong pagtingin

Hindi mahalaga kung wala kang mabalik sa akin

Kahit kilitan man ang kalooban sa pagkahabag

Basta’t para sayo ay handang mabasag.

 

Pag tumanda ka ng lampas kwarenta,

At nalulungkot ka

Wala ka pa ring kasama’t katulad kong nag-iisa

Isang gantimpala, nakakapagtaka bakit kaya?

Sa haba ng panahon bugbog na ang kaluluwa, Sasabihin ko na ba?

Dahil baka naghihintay ka rin

Tingnan natin sa pagtanda natin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s