Please Lord kunin mo na ako

Minsan iniisip ko kung anong iniisip mo

Kung anong tingin mo sa mga liham ko

Nakukulitan ka kaya sa akin?

Sulatan kaya kita ulit ng isa?

Wala naman akong makwekwento sayo

Depresyon lang ang hinaharap ko araw-araw

Binabasa ko ngayon yung Biography ni Kurt Cobain

Di ba Idol mo rin yon?

Hindi ko alam, mukhang hindi ka naman interesado

Ano kayang ginagawa mo ngayong sinulat ko to?

Malaamang natutulog ka ngayon kasi 2:44am pa lang

Sana mahimbing ka sa kama mo

Minsan iniisip ko rin kung may katabi ka

Tang-ina, gusto kong malaman

Pero parang hindi ko ang aking malalaman

Pano ko nalaman na meron kang katabi?

Kathang isip ng naiingit kong imahisnasyon

Pero sa ganda mong iyan

Hindi ka dapat nagsasayang

Hindi ko sinasabing makipagtalik ka sa kung sino-sino

Baka maglaslas ako

Pero naiingit ako sa mga lalaking iyong nakasiping

Sa totoo lang gusto ko silang patayin

Pati sarili ko

Minsan iniisip ko

Sana hindi ako pinanganak

Nung pagsilang ko

Hindi namana ko gusto

Isa lang akong aksidente

Gusto lang magtalik ng aking teenager na magulang

Mga gung-gong

Noong panahon nila hindi pa uso ang condom

Napilitan lang sila

Tingnan mo ngayon

Hindi sila masaya

At tingnan mo rin ako

-Miserable

Buhay talaga ay binubuo ng desisyon

Puro masama

Ngunit ikaw

Ang ganda ganda mo

Para akong naiiyak

Tuwing nakikita ka

-Pinapatay ako ng loob ko

Pinapatay ako ng pag-asa

O kawalan nito

Hindi ko alam

Parang wala akong alam sa mundo

Wala akong alam tungkol sayo

Tuwing iniisip ko

-nasusunog ako

Sana wala akong isip

Sana wala rin akong damdamin

Sabi nung iba mas magandang masaktan

Kaysa walang nararamdaman

Wag na uy

-Kayong na lang

Mga masokistang hangal

Wag nyo akong isali

Please Lord kunin mo na ako

Ay, nakalimutan ko

Satanista nga pala ako

Mali,

Matagal na akong hindi naniniwala sa Diyos

Atenista? Mali, Atheist, Atis na lang sa tagalog

Kung hindi ka naniniwala kay Batman

Automatic, Hindi ka rin naniniwala ka Joker

Ibig sabihin hindi ako satanista dahil hindi rin ako naniniwala kay lucifer

Nung nalaman mo

Hindi mo na ako kinausap

Lalo akong nagalit sa Diyos

Este sa mundo

Pati sa mga tao

Please Lord kunin mo na ako

Maya pag tulog ko

Wag mo na akong gisingin

Hindi na ako interesado

-sa bullshit mong pagkakataon

-Sa Bagong pag-asa ng kinabukasan

-Na everyday is a new day bullshit

-Ganyan, ganyan

Kayo na lang mga masohistang hangal

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s