Stranded

“Bakit hindi ka pa nagkaka girlfriend?”

Ilang beses ko nang narinig ang tanong na yan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasagot. Napatingin na lang ako sa kanya, nahihiya ang mga mata, nagbuntong hininga at saka tumingin sa pumapatak na ambon.

“Wag mo nang itanong”

Kukuha na lang ako ng palusot, title ng kanta ng paborito kong OPM band. Nakatingin sya sa akin at nakapinta ang nakakatawa nyang mukha. Kulubot ang noo at naka hibi ang labi, parang batang nang-aasar. Dudungaw dungaw ang kanyang mukha sa aking harapan, susulpot – magtatago.

“Hala, napikon na nga sya. Sorry na. Galit ka ba sa akin? Hoy! pansinin mo naman ako”

Pinalo nya ng malakas ang aking braso. Hindi ko na napigilan, napangiti na lang ako at natawa. Tumawa kaming dalawa na parang baliw, pinagmamasdan ang kapaligiran, tumatawa kasama ng ulan.

Galit na galit ang panahon, ganitong oras pagkatapos ng graveyard shift namin susunugin ka ng araw ngunit iba ang araw na ito. Magpapatila lang sana kami ng ambon saka kami sabay na uuwi, ngunit kumontra naman ang kalangitan.

“Lalong lumakas ang patak ng ulan ah”

“Ulan? eh mukhang may bagyo ngayon! pano tayo uuwi nyan? Tapos may pasok pa tayo mamaya”

“Dalawa ang naiisip kong pwede nating gawin. Uuwi tayo ng basa, Maliligo sa baha at lakas ng ulan. Pangalawa ay dito na lang tayo magpalipas, sa sleeping quarters tayo matulog at papasok tayo mamaya na walang ligo ligo suot ang kahapon pang damit”

“Ayokong matulog sa sleeping quarters. Walang unan dun, walang kutson sa sahig ka lang nakatiga at patungan mo ng ulo ay ang iyong bag. Tapos pinaka malala, minsan amoy ewan pa dun”

“Daig mo pa ang babae kung mag inarte. Tara uwi na lang tayo pwede naman tayo mag taxi, hati naman tayo sa fare hindi na masyadong masakit sa bulsa yun”

“Tingnan mo nga ang kapal ng taong nag aabang ng masasakyan dito sa office. Bago pa tayo makasakay ng taxi, umpisa na ulit ng shift natin”

“Wala na akong lusutan sayo. Anong gusto mong mangyari ngayon”

“Gusto ko magunaw ang mundo”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s