Ulan

906230b0ad2a20b321e89f3066b8e4fcMinsan naiisip ko, panahon rin ang nagpapasya sa buhay natin. Minsan may gustong gusto kang gawin, ngunit hindi naman sasang-ayon ang panahon. Nagkukulong ka tuloy sa bahay at kung ano ano ang pumapasok  sa isip.

Nababalot ng kalungkutan ang ulap, ang makulimlim na paligid sa iyong paningin, at ang ingay ng nag mamartyang luha ng langit sa bubong. Ah, sira ang mga plano ko, wala tuloy akong magawa, at pumapasok sya sa utak ko. Wala nanaman akong magawa. Pero Bakit kaya hindi ko magawang pigilang pumasok sya sa utak ko? :/

Hindi naman sya tao, isang imahinasyon ko lamang sya. Marahil makikilala ko pa lamang sya, o baka papanaginipan ko na lang ang taong ito hanggang makalimutan ko na sya. Nararamdaman mo na rin ba yun? Yung hinahanap mo yung taong magliligtas sayo? Nakuha ko lang yata to sa pakikinig ng kanta “maybe you’re gonna be the one that saves me, and after all you’re my wonderwall“.

Minsan naiisip ko ang ganda ng kalungkutan tuwing sumsabay sa ulan, o ulan mismo ang tagaaghatid ng sensasyong ito. Ano bang meron tuwing umuulan, parang ansarap lumuha kasabay ng langit, yun nga lang hindi ko magawang maging emosyonal, kaya ko lang gawin ay malungkot.

Sa ganda ng dilim ng paligid gusto kong maglaho kasama ng aking anino. Parang gusto kong magunaw ang mundo, at sa totoo lang wala akong pakialam sa magpa panic kong kapitbahay. Teka masyado naman yata yun. Bakit ba ako ganito mag-isip. Ayoko nang mag isip. Halika, kung sino ka man, iligtas mo ako.

Ulan

Nanlalamig, Napapaisip nanaman / Kalungkutang, Pinapatak ng ulan / Pagtingin, Hindi sinadyang matagpuan / Kahihinatnan, Nais kong takbuhan

Sa Dulo, Nakikita ang pagkabigo / Kaya’t itong mga mata’y Lagi na lng magtatago / Subalit lagi pa ring natatagpuan / Nanlalamig sa kung anong meron sa ulan

Puyog at lunod ang sira kong damdamin

Nanginginig sa ihip iyong hangin

Binabangunot ng bigo kong panalangin

Tila laging merong kulang sa akin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s