JKL triangle

Dear Kaye,

Naalala ko ng namamasyal tayo noon sa mall, magkasama tayong tatlong magkakaibigan. Magkaibigan tayo nun at kayo ni Jay ang magkasintahan, at si Jay ang pinakapaborito kong kaibigan. Paborito ngunit hindi matalik, paborito sa aspetong sobrang kwela sya at nakakatawang tao. Hindi ko akalain nun na magiging kayo, ako yung gwapo hindi naman si Jay, ngunit tinalo ng kwela ang gwapo. Ngunit hindi naman talaga nya ako tinalo, hindi kita pinormahan, hindi sa hindi ako interesado sayo, kung tutuusin ay nakagagandahan ako sayo simula ng una kitang makilala, ngunit hindi rin ibig sabihin nun ay meron akong pagtingin sayo. Aaminin kong gusto rin kitang matikman kaya nung nagbibiro kang sabihin ko kay Jay na hinalikan kita para lang sya ay magselos, hinalikan talaga kita kahit nasa gitna tayo ng sakayan ng bus. Hinalikan kita kahit na hindi ka talaga nagpapahalik sakin, hinalikan kita kahit na gusto mo lang bwisitin si Jay sa kanyang pagiging possessive at nagbibiro ka ganun dahil meron kang topak.

Hindi ko inaasahan ang iyong kamay na sasampal sakin, nanliliit ako sa hiya sa mga tao sa paligid na nakita ng pangyayari lalong lalo na sayo. Kalahating oras ka nung umiiyak, nakatingin satin ang mga tao at hindi ko alam ang gagawin ng mga panahon iyon kaya nakatayo lang ako at nanunuod habang nakatiklop ka sayong tuhod at nakasubsob sayong mga braso habang nakalupagi sa semento na parang batang matigas ang ulo. Hindi ko alam kung anong iyong iniiyakan, sa araw araw ko kayong kasama ni Jay hindi ikaw ang umiiyak sa inyong dalawa, ikaw ang madalas mang ayaw at mang iwan sa kaibigan ko, madalas pa pag nag wawalk out ka pinapasundan ka sakin ng kaibigan ko para kausapin ka. Ngunit iba ang pagkakataong ito, kakatapos lang nating manuod ng isang Sci-fi movie sa sinehan ng topakin ka dahil hindi yung gusto mong pelikula ang nasunod, ng sinigurado ni Jay na maganda ang pelikulang papanuorin natin ay pumayag ka at hinayaang sa susunod na lang na panunuod ang pelikulang gusto mong panuorin.Problema lang na kumplikado ang pelikula at tanging matatalino lamang ang nakaintindi tulad ni Jay, parehas tayong hindi nag enjoy dahil parehas tayong hindi matalino. Nagtimpi ka pa rin sa kaalamang kasama mo akong nagdusa para pagbigyan si Jay ngunit hindi mo na napigilan ang topak mo ng nagyaya ka ng niyaya mo sya sa isang party, padespedida ng bestfriend mo nung highschool, may final exam kami sa isang major subject namin at hindi makakasama si Jay dun, hindi rin ako maaring mag chaperone dahil alam ni Jay na kailangan ko pa ring mag aral kahit na hindi ako seryoso sa aking edukasyon. Hindi pumayag si Jay na pumunta ka sa party, rason nya at delikado dahil malayo at overnight. Pwede mong sabihin na mas may tiwala pa sakin ang paborito kong kaibigan kesa kanyang sariling kasintahan, pero hindi naman ganun, ang totoo ay buo ang tiwala nya sayo, problema lang na ugali nya talaga ang maging sobrang possessive.

Uminit ang ulo mo at hindi mo kinausap si Jay habang kumakain tayo ng Mamii malapit sa Bus stop. Pagkatapos kumain bigla ka na lang nag walk out ng hindi pa binabayaran ang kinain mo, syempre nandun si Jay na sumagot ng lahat. Wala akong planong sundan ka lalo na kapag sinusumpong ka ngunit hindi ko kayang tanggihan kapag nakiusap na sa akin si Jay. At nung sinundan kita nagbitaw ka ng biro na ayaw mong mangyari na bigla na lang nangyari isang iglap ng hindi mo inaasahan. Umiiyak ka, hindi dahil sa tampuhan nyo ni Jay, umiiyak ka dahil hinalikan kita na matagal mo nang gustong mangyari. Matagal ko nang halata sayo na kaya mo kinaibigan si Jay ay dahil sakin, gusto mo akong maging kaibigan o higit pa dun dahil gusto mo ako, naging kayo ni Jay dahil natutuwa ka sa kanya at dahil matalino sya, pero sakin ang iyong pagtingin, sa hindi maipaliwanag na dahilan ako ang iyong tunay na minahal. Si Jay ang madalas sayong nakakapag patawa ng malakas samantalang ang ako naman ang nakakapagpangiti sayo ng pinakamatamis. Mas nagustuhan mo ang aking pagiging ignorante kesa katalinuhan ni Jay, hindi ko alam kung anong dahilan, malamang malala talaga topak ng utak mo kaya ka ganyan. Baduy na banggitin, Pagibig sa madaling sabi.

Hindi pa rin ako nanghihinayang na nung araw na yun ay naputol rin lahat ng agad agad ang dapat na uusbong na relasyon nating dalawa, pero mas maganda at mabuti na rin para sa ating dalawa na tuldukan na lang ang lahat. Alam kong hindi mo kayang gawin sa sarili mo yun kaya ako na ang gumawa at nagsasabi sayong wala na, tapos na ang lahat. Isang taon na ang nakakalipas mula nung halikan kita at sumama ka sa akin hanggang sa kwartong inuupahan ko malapit sa school, kinalimutan natin si Jay at hindi na sya binalikan sa Mamian. Nabigo pa tayo nung matapuang nasa loob ang aking room mate na hindi lumuwas papuntang probinsya. Hindi ka pa rin nag alangan ng yayain kita sa isang malapit na hotel at dun tayo pumunta, ang paborito mong kulay na pula na sya mo ring suot ng araw na yun. Masayang masaya ka ng panahon yun, pintadong pintado sa iyong mukha. Napapahiya pa ako noon sayo ng napansin kong kulang ang pera ko sa wallet ngunit hindi ka nag atubiling sagutin ang tatlong oras na renta sa kama. Naging maingat naman tayo sa buong gawi natin, ginawa natin ng buong dalawang oras saka nagpahinga at naligo sa natitirang isa, naging maingat tayo kahit na walang condom ay sinugurado kong hindi sa loob puputok. Maingat ang lahat ng ginawa nating kilos maliban lang sa  isang malaking bagay na hindi atin inisip ng panahong iyon ng sa malapit na hotel tayo nag check in at hindi man lang lumayo o sa tago.

Susob ng damdamin? Labis na pananabik? Hindi ko alam, parehas tayong hibang sa bilis ng mga pangyayari. Masakit sa tenga ang makinig sa mga nagpaparinig at masakit para sa aking damdamin ng makarating ang balita kay Jay. Pero bakit nalaman agad agad at biglang kumalat na para bang lahat ng tao sa paligid at nakita tayong pumasok at lumabas ng hotel ng magkasama. Suspetsa kong may kinalaman dito yung chismosong ka-room mate ko. Yung pesteng lambutin na yun, inggiterang bakla. Nagselos yun dahil hindi ko sya pinapatulan na kahit na ilang beses akong umuwing lasing, hindi pa rin ako pumapayag na hawakan nya ako. Magulo ang naging sitwasyon nating tatlo, inamin mo kay Jay ang nangyari at simula nun ay hindi na kami nag usap. Kaya ka nyang patawarin at bigyan ng pangalawang pagkakataon dahil mahal ka niya ngunit inamin mong ako ang iyong mahal at hindi sya, kaya parehas nya tayong hindi na mapapatawad. Nung mga huling araw sa school, halatang depress at distracted si Jay, tahimik at halatang wala sa sarili, nawala ang pagiging msayahin at naglaho lahat ng sense of humor sa katawan. Hindi sya nakapag defend ng thesis nya at hindi rin nya kinuha ang final exam nya. Kahit na sobrang down sya at hindi man lang nakapag aral, sigurado akong mani pa rin ang exam sa kanya ganun rin ang thesis defense nya kung nag attend man lang sya, subalit ng mga araw na yun ay hindi pa balita sa school na pinatay nya ang kanyang sarili. Tayong dalawa ang pumatay sa kanya Kaye, ngunit ligtas tayo dahil si Jay ang nagtali ng sarili nyang leeg nya sa lubid at hindi tayo, hindi rin sya nag iwan ng suicide letter na sumisisi sa ginawa natin sa kanya. Dapat ay malinis ang ating konsensya at hindi na minumulto ng mga alaala nito, subalit hindi. Tayo ang dapat sisihin, tayo ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Hindi mo lang alam Kaye kung pano ako multuhin ni Jay gabi gabi sa aking panaginip. Pumapasok ako sa aking trabaho minsan ng hindi natutulog upang hindi lang nya ako dalawin, ngunit hindi ko kaya ng palaging ganun. Nagalit sakin ang supervisor ko at sinesante ako ng ilang beses na mahuli akong natutulog sa aking pwesto. Ngayon, araw araw akong nasa loob ng bahay at gabi gabi kaming nag kikita at nag uusap ni Jay kahit simpleng nakapikit lang ako sa dilim. Hindi pa rin nya ako napapatawad hanggang ngayon. Nalulungkot sya dahil ang kaisa isa nyang kaibigan dito sa mundo ay piniling pagtaksilan sya at pagkatapos ay iniiwan pa sya ng kanyang baabeng minamahal. Ngayon sa kabilang buhay, ang kalungkutan na yun ay buhay na buhay pa rin sa kanyang puso, hanggang ngayon ay nag-iisa pa rin sya at hinihintay na nya tayo. Hinihintay nyang samahan natin syang muli at pinapangako nya ang pagpapatawad sa oras na samahan natin sya sa kanyang kinalulugaran. Alam kong hindi ka pa rin nagbabago at mahal na mahal pa rin ako, at sa panahong matanggap mo ang sulat na ito ay magkasama na kami ni Jay sa kabilang mundo. Hihintayin ka namin dun, hihintiyin Kita dun, ito na ang pagkakataon na muli mo akong makakasama. Hihintayn kita.

Nagmamahal,

Elle

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s