Reverse Morp

Pahingi naman ng konting saglit

meron lang akong na-isip

Mensaheng nais kong masambit

Nung sa gabi’y nasa panaginip

 

Ngayong gabi’y aking ilalabas

Pagtingin sayong pagka-taas taas

Dibdib ay sobrang kakabahan

Dito sa matagal nang pinag-plaplanuhan

 

Patawad ako’y walang lakas ng loob

Sa katorpehan ay sobrang nalulunod

Ang Hangarin ko lang naman sana

Ikaw ay mapasaya at makasama

 

Aking pasin ika’y walang kasama

Nagtataka, nabulag na ba silang talaga?

San ganda mo’y walang lumapit para isayaw ka?

wag mag-alala, nandito ako pinag-mamasdan ka

 

Lalo kang maganda sa suot mong pula

Ikaw na ang pinaka magandang prinsesa

Sa wakas ngiti mo ay nasilayan

Puso ko’y nawala, nasa langit lumulutang

 

Halika na at tayo’y magsasaya

Isasayaw kita kahit hanggang umaga

Di mo pina-unlakan, damdamin nasaktan

Nagsuot ng maskara’t ngumiti na lamang

 

Isang bagay lingid sa aking kaalaman

Ang dahilan kaya’t hindi ka anyayahan

Ikaw pala ay pinagbawalan

Niyang wala ngayon sayong tabihan 

 

written july 2010

39333_1534081272801_4288021_n

senior prom feb 23, 2008

ito ang unang pagkakataon na humawak ako ng ballpen para mag sulat sa papel, hindi para magsulat ng notes sa klase o sagutan ang mga tanong sa exam o quiz. Ito ang unang pagkakataon na inamin ko sa sarili ang una kong pagkabigo, ang unang beses na kinausap ko muli ang sarili para balikan ang ala alang yun, ang unang beses na sinubukan kong gamitin ang dugo sa aking puso para gawing tintang pansulat sa papel. Ito ang pangyayari nung senior prom ko.

Nakakalungkot balikan na tinangihan ako ng babaeng gusto ko para sa isang sayaw, pagkatapos kong ipunin lahat ng lakas ng loob para sya ay imbitahin para pagkaktaong yun, ako ay bigo sa malungkot na sagot nya na hindi maari. Nasayang lahat ng matatamis na papuring nais kong sabihin sa kanya, kung gaano sya kaganda sa suot nya, kung gaano sya nakakabighani tuwing nakangiti na sinasamahan ng kayang malalim na dimples, kung gaano sya kaperpekto mula ulo hanggang paa na kahit hindi sya sakin at hindi rin kailanman magiging akin, ang isang sayaw ay katumbas na ng isang natupad na pangarap sa damdamin kong humahanga.

Lahat naman yata tinanggihan nya, napansin ko rin na hindi sya nagkipagsayaw sa kaninuman nung gabing yun, ang totoo ay pinagbawalan sya makipagsayaw ng boyfriend nya seminarista na makipagsayaw sa sinuman. Ngunit ang tanong, ay bakit sya naroon, nagsuot ng sobrang gandang pulang damit, bakit pa sya pinayagan ng kasintahan nya pumunta sa isang kasiyahan na maraming sayawan, anong gusto nyang mangyari dun? nakatunganga lang sya habang ang marami sa mga tao ay nag sasayaw. Paumanhin pero hindi ko lang maintindihan, nasayang ang magandang pagkakataon, nasaktan rin ang damdaming alipin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s